Akala

Nakahiga habang isa isang bibabalikan ang mga alala na tila wala na. Mga plano, at pangako nang dalawang pusong minsang nag hihintay sa tama’t perpektong panahon at pagkakataon. ngunit ang lahat ay naiba sa salitang “akala”. Akala ko siya na, akala ko ako na. Salitang napaka daya, parang isang panalanging abot kamay mo na ngunit binawi nang tandhana dahil sabi ni bathala. Nananalangin na sana’y maibalik, maitama manlang kahit konting pagkakamali, nagbabakasakaling mag iba ang ihip nang hangin at ang dating “akala” ay maging “ah siya na nga” Ah siya na nga pero ayaw ko na. Ah siya na nga ngunit suko na. Siya na nga ngunit pagod na. Pagod nang sumunod at muling magtiwala.

Litong lito kung anu nga ba ang takbo nang ating kwento. Siguru nga isa lang itong palabas, kung saan una palang alam mo nang may dulo at kung san patungo. Ngunit Nangusap si bathala sa panaginip ng isang taong di ko higit inakala, nakita niya akong kasama ka. Nagawa ka niyang ilarawan kahit di ka niya kilala. Mas nangibabaw ang duda kaysa sa pag-asa. pikit mata’t taynga kong pinakinggan. Pilit kinukumbinsi ang sariling sinungaling ang aking kaharap, dahil ganun naman talaga ata di ba? Ang mga bagay na tila magandang pakinggan ay siya nitong kabaliktaran. Kaya wag nalang… Dahil sa huli, ang lahat ay magiging akala lang din naman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s